just for fun.
i saw you holding someone’s hand,
i saw you eating ice cream together.
right now, on where i stand,
guess you can’t feel how i suffer.
———————————————-
you must be happy with her now.
congratulations, dear man.
i wish to be happy too somehow,
with someone i know is the one.
——————————————-
why did you just leave me?
is there something wrong with us?
i thought that for a century,
our love would really last.
——————————————
sorry for the blame my dear,
i was just feeling so bad.
i just thought that your love is here,
or it’s something i never had.
——————————————
i don’t deserve being the ex,
i deserve being the one.
and who again will be your next?
you’re courting us, just for fun. :/
From Elementary to Forever. :)
From Elementary to Forever
CHAPTER 1: PASIMPLE.
Grade 4. Dito nagsimula ang lahat. Dito nagsimula ang makulay na kwento ng pag-ibig nina Grace at Anthony. Crush, love at first sight, simpleng asaran at malupit na kulitan na tila napunta sa seryosong pagmamahalan. Pero ano nga ba ang naging paraan ni Anthony para mapasakanya ang elementary sweetheart na si Grace? Minsan mapapansin nating halos lahat ng lalaki, ang paraan nila para mapalapit sa kanilang napupusuan ay ang asarin o pikunin ito. Tulad ni Anthony. Kaya naman sa lupit ng kanyang “pang-aasar” kay Grace, ay nagsumbong na itong si Grace sa kanyang nanay.
Kinaumagahan ay pumasok si Grace kasama ang kanyang nanay. “Nanay, siay yung nang-aasar saken oh,” tinuro niyang bigla si Anthony habang umiiyak. “Akong bahala, diyan ka lang.” Papalapit nang papalapit ang nanay ni Grace kay Anthony, habang papalayo naman nang papalayo itong si Anthony. “Huwag po, gusto ko pang mabuhay! Madami pa kong pangarap! At isa dun ang mabuhay ng masaya po.. kasama si Grace!” Sa sinabing iyon ni Anthony, ay napatigil ang nanay. “Bata pa kayo, anak. Marami pang pagkakataon para diyan.” Pero kung seryoso ka nga sa anak ko, ay gawin mo sa tamang paraan. Yung ‘di sya masasaktan.” Payo ng nanay ni Grace kay Anthony. “eh mam, crush ko lang naman po si Grace e. pero thank you po ha.” Pagpapasalamat ni Anthony na sinabayan ng isang magandang ngiti.
CHAPTER 2: AYAN KA NA NAMAN!
Grade 5. unang araw sa panibagong taon sa elementarya. Masayang nagkaklase ang gurong si Ms. Santos habang si Anthony ay hindi nakikinig dahil busy siya sa pagsusulat ng love letter para kay Grace. ‘this is it!’ ang sabi ni Anthony sa sarili nang mag-bell na para sa recess. Swerte, nasa baba si Grace at kumakain sa canteen. Habang wala si Grace, ay nilagay niya ang love letter sa table ng kanyang ultimate crush. Tapos na ang recess, lahat ay nasa classroom na pati na din si Grace. At sa kanyang pag-upo ay nakita niya ang love letter na galing kay Anthony. Kinilig man, ngunit ito ay kanyang pinigilan sa pamamagitan ng pagkurot sa sarili. Ang sabi sa sulat, “Mahal kong Grace: Twitter ka ba? Trending ka lagi sa puso ko eh. O, Facebook ka? Ayaw kasi kitang i-share, baka ma-like ka pa ng iba. Hindi ko alam, pero ang gaan ng pakiramdam ko pag nakikita kita. Malupit ka pa sa naka-first blood sa DOTA, mas maganda ka pa kay Madonna.” Hindi na naatim ni Grace na ituloy ang pagbabasa ng sulat. agad siyang lunapit kay Anthony at sabay punit ng love letter. Effort! sayang. Iba na talaga pag pinairal moa ng pagka-pakipot.
Buong araw na malungkot si Anthony. Hindi niya pinipikon si Grace, na tila medyo nagpabago sa pagtingin ng batang babae. Siguro ay na-miss ang pangungulit ni Anthony. Tinigilan na niya sa pang-aasar si Grace, pero hindi niya tinigilan ang pag-iisip dito, buong araw. Bakit nga ba kasi patay na patay it okay Grace? Ah… oo. Dahil ito ay matalino, maganda, mabait, at talented. Ika nga nila, ay wala ka ng hihilingin pa. kumbaga sa Lotto e, jackpot na. Isang ‘Angel in Disguise’. Dumating ang uwian at tahimik lamang na naghihintay itong si Anthony sa kanyang nanay para sunduin siya. Nagulat siya nang biglang lumapit sa kanya si Grace at humingi ng sorry. Nang papalabas na ng gate si Grace, ay dali-dali siyang hinabol ni Anthony at may binigay ulit na love letter na may dikit ng Angry Birds sticker. Nang dahil dun, masayang umuwi ang dalawa na may ngiti sa kanilang mga labi.
Sa paglipas ng kanilang elementary years, ay hindi nakalimutan ng dalawa ang isa’t-isa. Ngunit nang dumating na ang high school, posible pa kayang may mabuong pag-iibigan sa dalawa gayong ang school na pinapasukan nila ay magkaiba na?
CHAPTER 3: ANG PAGTATAPAT
Sa pagpasok ng high school ay tila nagbago ang lahat. Sobrang naging busy ang dalawa sa kanilan mga pag-aaral at iba pang bagay. Ang mas masaklap pa, magkaiba na sila ng school na pinapasukan. Buong buhay nila sa high school ay hindi na sila nabigyan ng pagkakataon na makapagkita mang muli. Kung magkikita man, ay yung salubungan lang. Yung parang nagkasabay lang sa simbahan. Nagkataong napadaan si Anthony sa tapat ng school ni Grace. “Hay nako, wala na talaga Anthony. Wag ka ng umasa.” Ang sabi sa sarili habang pasakay ng jeep pauwi sa kanila. Ang maganda dito, sa pag-aaral ni Grace ay hinding-hindi niya nakakalimutang ipagdasal ang pag-aaral niya. What a coincident dahil nang itanong niya sa isang religious shop kung sino ba ang Patron Saint ng mga nag-aaral, ang sinabi ng tindera ay si “St. Anthony”. Anthony lang naman siguro ang pangalan ng lalaking may gusto kay Grace. Siguro ay siya nga ang lalaking nakalaan para kay Grace. J
Huling taon na ng dalawa sa high school at dumating na din ang pagkakataon para sa kanilang graduation. Ang dalawa ay parehong nakatanggap ng special awards, lalo na itong si Grace. Siya ay tinanghal bilang “Valedictorian of the Year” habang si Anthony naman ay “MVP of the Year” ng kani-kanilang respetadong eskwelahan. Sa pagdating ng summer ay may kani-kaniyang libangan ang mga graduate students. Pero itong si Grace at Anthony, wala pa. Dahil siguro sa dala ng sobrang pagkabagot ay naisipan ni Grace ang maging miyembro ng choir sa kanilang simbahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay member din pala si Anthony ng choir na iyon. Sobra ang naging kasiyahan ng binata. Hindi nagtagal ay niligawan na si Grace ng binata. Nandyan yung sabay na kakain sa labas pagkatapos ng misa, pamamasyal, pagbibigay ng regalo, paghahatid kay Grace sa kanilang bahay, at kung anu-ano pang pagtiya-tiyaga ng binata. Ngunit ano kaya nag kahahantungan ng lahat ng effort na ito?
CHAPTER 4: TOTOO BA ANG FOREVER?
Third year college na ang dalawa at mas mahirap na pagsubok na ang kakaharapin nila dahil sa thesis, OJT, at kung anu-ano pang involved sa school. “Magbo-boyfriend ako, siguro pagka-graduate na.” ang sabi ni Grace sa kaibigan. “whoo! As if naman, Grace. Eh halata kayang inlababo ka dyan kay Anthony.” Ang hirit nit okay Grace. “In love na kung in love. Kaya naming pigilan, eh. O parang hindi na yata? Ewan!” lihim na kinilig ang dalaga. Isang araw ay nagpunta si Grace at Anthony sa isang mall. Habang namamasyal ay napatigil si Grace sa bilihan ng wedding gown, formal, and cocktail dresses. “Anthony ang ganda ng gown oh. Ang galing ng pagkakagawa.” “gusto mo ba ‘yan?” ang tanong ni Anthony. “Oo naman. Pag-iipunan ko talaga ‘to, promise. Para pag kinasal ako, eto magiging gown ko. Ang ganda eh.” Ang sagot ni Grace. ‘Oo nga naman, siguro magiging magaling din na asawa ang pipili nito.’ Bulong ni Anthony na hindi na lamang pinansin ni Grace kahit na ito ay kanya naman talagang narinig.
Dumating na din ang hindi inaasahang pinakamasayang araw para kay Anthony. “Alam ko walang word na bestest. But you’re the bestest thing that ever happened in my life. Sagutin mo man ako o hindi, wala akong magiging sama ng loob. Mahal na mahal pa din kita whatever your decision may be.” Ang sabi ni Anthony. “Before, you told me that I’m the girl who is closest to being perfect. But I’m not perfect, and so are you. Yet, you’re trying to be. Kahit naman ‘di ka perfect, ‘di pa din magbabago pagtingin at nararamdaman ko sa’yo. At sabi mo din na hindi ka naniniwala sa forever? Totoo yun, Anthony. Because tonight, I wanna say yes. Oo, Anthony. Sinasagot na kita. At mahal na mahal din kita.” Hindi maipaliwanag ang sobrang kasiyahan ng binata. Kaya naman ay niyakap na lang niya ng napakahigpit itong si Grace. Pero kahit na sila na, ay para pa din silang nagliligawan. Lalo na ng magbigay itong si Anthony ng isang malaking teddy bear na pinangalanan nilang “Tokis” na sa kalaunan, ay naging tawag na din ni Grace sa kasintahan.
Sa paglipas ng panahon ay nagtapos na ang dalawa sa pag-aaral, at mabilis na ding nakahanap ng trabaho. Ngunit sa ganda ng kanilang trabaho ay ang hindi inaasahang pangyayari- ang pakikipaghiwalay ni Grace kay Tokis. Dahil halos wala ng text, tawag, pagbibisita o pagsundo mula sa trabaho galing kay Tokis kaya naman, ay nagpasya na si Grace na hiwalayan ang binata. “Ayoko na Toks. Nakakapagod pala ang maghintay sa wala. Sana maaga pa lang, sinabi mo ng hindi mo pala kaya. Pinagmumukha mo na kong tanga. Isipin mo na lang, na joke ang forever.” Sabi ni Grace kay Anthony habang ito ay umiiyak. Ang buong mundo ni Anthony ay tumigil sa mga pangyayaring iyon. Sa nangyaring pakikipaghiwalay ng dalaga, magkatotoo pa kaya ang forever?
CHAPTER 5: TOTOO NGA ANG FOREVER!
Lunes. Panibagong araw sa trabaho. Ngunit sa pagkakataong ito ay si Grace lang pala ang nakapasok sa trabaho at hindi itong si Tokis. Nagkasakit ang binata dala ng matinding depresyon. Kaya naman tumawag ang nanay ni Tokis upang balitaan ang dalaga sa kalagayan ng anak. “Sige po, tita. Papunta na po ako diyan.” Dala ni Grace ay madaming prutas para kay Tokis. Sa pagdating niya ay dali-dali niyang hinanap ang kaniyang ex-boyfriend at niyakap ito. “Toks naman, di ba sabi ko, alagaan mo sarili mo palagi?” “Inaalagaan ko naman, pero iba pa din yung sa’yo. Grace, hindi ko talaga kaya ng wala ka. Naniniwala akong totoo ang forever kahit wala na tayo. Thankful din akong….” Hindi na natuloy ni Tokis ang kanyang sinasabi dahil bigla lang siyang hinalikan ni Grace sa labi. “Mahal na mahal kita. Alam mo yon, Anthony. Yung break-up natin, joke lang yun. Pero yung magsasama tayo forever? Yun ang totoo.” Kaya naman naging sobrang masaya na muli ang panibagong araw para sa dalawa.
Sa mahabang taon na sila ay naging magkasintahan, ay napunta ang lahat sa araw na hindi inaasahan. Pagkatapos ng kanilang trabaho ay ay niyaya ni Anthony itong si Grace sa isang special dinner date. Sa kanilang pagkain ay hindi mawawala ang dessert. Ngunit ang dessert na ito ay hindi basta-bastang matamis na ice cream. Ito ay sobrang pinaghandaan dahil ito ang nagsilbing proposal piece ni Tokis para kay Grace. Ang laman ng plato ay ice cream ala mode na may singsing sa ibabaw habang ang plato naman ay napaliligiran ng “Will You Marry Me?” na ginamitan ng chocolate syrup bilang panulat. Napaiyak na lamang sa sobrang tuwa ang dalaga at sinuot na lamang ni Anthony ang singsing sa future misis.
“Tay, nay, ate, kuya, wag sana kayong mabibigla sa ipapakita ko ha.” Sabi ni Grace habang dahan-dahang tinataas ang kamay niyang may singsing. “I…ikakasal ka na bunso?! Wow! Wow lang talaga!” ang sabi ni kuya niya na tila, hindi pa makapaniwala. “we’re so proud of you, anak. After all the challenges na kinaharap niyo nitong si Anthony, eh sa kasalan na din ang tuloy.” Papuri ng kanyang nanay.
“Anak, siguraduhin mong walang masasaktan sa gagawin niyong yan. Be a faithful partner sa magiging misis mo. I like Grace for you very much. And we’re so thankful na natupad mo na yung dream mo.” Sabi ng nanay ni Anthony sa binata. “Yes ma, and you know what, ako na yata ang pinaka-swerteng lalaki sa earth! Still can’t believe that the girl I was dreaming of before, will be mine forever. I thank God for all of these precious things.”
Dumating na nga ang araw na hinding-hindi makakalimutan ng lahat. Ang kasal nina Grace at Anthony na sobrang tagal ng pinapangarap ng binata. At ang gown na gustong-gusto ni Grace ay ang gown na kanyang suot sa kanyang kasal. “Anthony, wear this ring as a sign of my everlasting love. In sickness and in health, for richer or for poorer, and til death do us part.” “Grace, wear this ring as a sign of my undying love. In sickness and in health, for richer or for poorer, and til death do us part.” Natapos man ang seremonya ay hindi natatapos ang kanilang kasal. Dahil sa bawat sandali ng kanilang buhay, ay lagi silang sumusumpa sa harap ng Diyos ng kanilang tunay na pagmamahalan. Hindi nagtagal ay nagkaroon na din sila ng sariling pamilya na lalong nagpatibay ng kanilang pagmamahalan at nagpapatunay na ang forever ay makatotohanan. :)